Instagram favorite: Orihinal Pirena, ‘forever soul sister’ daw ni Amihan

Mga imahe mula sa Facebook at Instagram

“Soul sister forever.”

Ito ang tawag ng orihinal na Amihan sa kapatid niyang si Pirena sa telefantasyang Encantadia.

Ayon sa GMA News Online, nasa magkaibang network man ay nananatili pa rin ang pagiging malapit sa isa’t isa ng mga orihinal na sang’gre na sina Pirena (Sunshine Dizon) at Amihan (Iza Calzado). Nitong Agosto 4 ay nag-post ang dalawa ng kanilang larawan sa Instagram.

Amihan and Pirena, my Soul Sister Forever!” saad ni Calzado sa kanyang Instagram post. Umani ng libo-libong favorites ang nasabing larawan.

Ibinahagi rin ni Dizon ang parehong larawan at sinabi na tinuturing niyang isang kapatid si Iza.

Not sisters by blood but sisters by heart. Love you, ga @missizacalzado [Hindi magkapatid sa dugo pero magkapatid sa puso. Mahali kita, ga @missizacalzado],” aniya. Nakakuha naman ito ng daan-daang favorites.

Samantala, nakatanggap ang mga larawan ng napakaraming kumento.

“Na-miss ko manood ng Encantadia ‘yong old version,” sabi ni @ellecapss.

“Walang kupas, ang gaganda pa rin!” wika naman ni @amara_joelizalde.

“Balik na po kayo sa kapuso, Sangre Amihan at Sangre alenaa,” sabi ni @mariapalafox1981.

Samantala, marami rin ang humiling ng pagkakaroon nila ng larawan na dalawa kasama ang mga kapatid nila sa telefantasya na sina Alena (Karylle) at Danaya (Diana Zubiri).

Encantadia

Ang telefantasyang Encantadia ng GMA na ipinalabas noong 2005 ay labis na tinangkilik at pinag-usapan nang husto ng napakaraming Pilipino.

Sa palabas na ito ay lumitaw ang iba’t ibang talento ng pinagsama-samang magagaling at naggagandahang artista.

Ang unang Encantadia ay pinangunahan nina Dawn Zulueta, Richard Gomez, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Pen Medina, Pinky Amador, Dingdong Dantes at marami pang iba.

Samantala, ang namamayagpag na bagong telefantasyang Encantadia ay napapanood  mula sa direksiyon ni Mark Reyes, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 oras.