Kontrobersyal na Video Umano ni de Lima posibleng gamitin sa korte – Sec. Aguirre

Larawan mula sa you tubeLarawan mula sa you tube

Posibleng gamitin ang umano’y  “sex video” ni Senador Leila de Lima kapag hindi nito inamin ang relasyon kay Ronnie Dayan, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre nitong Martes.

Kasalukuyang tinututukan ng DOJ si Ronnie Dayan na dating driver at  diumano’y ‘lover’ ng Senadora.

Si Dayan diumano ay may palihim na pakikipag-ugnayan sa mga “high profile inmates” sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa upang makakuha ng malaking pondo ang Senador noong nakaraang eleksyon ayon sa ulat ng GMA News.

“Malaki ang significance [of the videos]. Mag-eexplain ‘yun why Ronnie Dayan was powerful, why Ronnie Dayan was able to extract money from the drug lords because an ordinary driver could not do it,” pahayag ni Aguirre.

[Mahalaga ang video. Ito ang magpapaliwanag kung bakit makapangyarihan si Ronnie Dayan para makakuha ng mga pera sa mga drug lords na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong driver.]

“Halimbawa kung nag-trial tapos dine-deny ni De Lima ‘yung relationship niya with Ronnie Dayan or anybody, then we could show that video,” dagdag pa ng kalihim ng DOJ .

[Halimbawa natapos ang pagdinig at itinanggi  ni de Lima ‘yung relasyon nya kay Ronnie Dayan at kung sinuman, ipakikita na namin ang video.]

Dagdag pa ni Aguirre kahit ang House Justice Committee ay iniimbistagahan ang paglakas ng ilegal na droga sa NBP at nais rin nilang mapanood ang kontrobersyal na video.

Binatikos ng Senadora ang  umano’y sex video; dagdag pa nito na simpeke ng peluka ng kalihim ang sex video.

“Alam niyang labag sa batas ‘yan kung meron mang ganyang video. Please, stop [Pakiusap, tumigil na]. Pwede ba, tigilan na ninyo talaga ako,” diin ni Senador De Lima.

Kamakailan ay inakusahan rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na diumano’y may relasyon ang Senador sa isang bodyguard at  motorcycle security escort.

Sa kasalukuyang pagdinig sa senado ay isiniwalat ng  testigo na diumano sina de Lima at Jaybee Sebastian ay naglalaan ng oras na magkasama sa “kubol” sa loob ng NBP.