[VIDEO] Patalastas na tampok ang PWD, naghatid ng kilig sa netizens

Screen cap from Lemon Square Philippines via YouTube

“Sometimes, the best words aren’t said. They’re shared.” [Minsan, ang pinakamagagandang salita ay hindi sinasabi. Ito’y pinagsasaluhan.]

Ito ang mensahe na ipinakita sa bagong patalastas ng Cookie Says; ang bagong produkto ng Lemon Square.

Marami ang kinilig at naantig sa nasabing patalastas na ngayon ay may higit nang 557,000 views sa kanilang Facebook page.

Aakalaing isa itong tipikal na kuwento ng ligawan ng mga kabataan, ngunit higit pa rito ang naipakita ng ad. Maliban sa nakakikilig na paraan ng pagsabi ng nararamdaman, naipakita din rito na maraming paraan para sabihin ang nais ipaabot sa taong minamahal lalo na ng persons with disabilities (PWDs).

Nakatanggap ng magagandang puna ang nasabing patalastas kabilang ang isang Facebook user na si Pheelyp Aytona na nagkomento, “These are the kinds of advertisements we need. Go Lemon Square! [Ito ang mga klase ng patalastas na kailangan natin. Sulong Lemon Square!].

Lubos naman ang tuwa ni Dan C. Paloma na isang sign language interpreter. Nagpasalamat siya sa pagtampok ng deaf community sa patalastas.

Panoorin ang viral na patalastas dito sa ibaba:

https://www.youtube.com/watch?v=QQpMNw3jbtc

Source :

Facebook, YouTube