Sasakyan ng Close-in security ni DOJ Secretary Aguirre, binaril

Larawan mula sa Balitang DFLarawan mula sa Balitang DF

Binaril ang sasakyan ng close-in security ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre habang binabagtas nito ang South Luzon Expressway (SLEX) nitong Martes.

Paglilinaw ni DOJ Undersecretary Erickson Balmes na ang pribadong sasakyan ni Senior Inspector Recaredo Sarmiento Marasigan, na kasapi ng security detail ni Secretary Aguirre ang binaril; taliwas sa unang impormasyong lumutang na bahay diumano ni Secretary Aguirre ang binaril.

Ayon kay Marasigan, nagmamaneho siya sa SLEX nang maramdaman niya na may tumama sa kanyang sasakyan, ayon sa ulat ng GMA.

Inakala ni Senior Inspector Marasigan na may pumukol lamang sa kaniyang sasakyan, subalit nang ika-5:45 ng umaga nang umuwi ito sa bahay ni Secretary Aguirre ay may napansin siyang bala sa kaliwang tail light ng kanyang sasakyang  Hyundai  .

Marasigan noticed that there was a hard object that hit his car but did not mind it,” ayon kay Aguirre.

Agad namang pina-blotter ni Senior Inspector Marasigan ang insidente sa himpilan ng pulisya.

“It was not known if the car was intentionally shot or it was a stray bullet,” dagdag pa ni Aguirre.

Si Aguirre ay kasalukuyang dumadalo sa isang pagtitipon ng mga hukom sa Cagayan de Oro City.