Aktres Jodi Sta. Maria, aminadong napabaling sa droga, alak noon

Larawan mula sa Notey.Com via ShutterStockLarawan mula sa Notey.Com via ShutterStock

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala nang magmamahal sa akin kasi separada na ako, segunda mano,” pagbabahagi ni Jodi Sta. Maria sa The Perfect Love Conference noong Oktubre sa Convention Hall ng J. Centre Mall sa Mandaue City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nagbahagi ang batikang aktres na si Jodi Sta. Maria, 34 anyos, ng kanyang mga masasakit na karanasan na diumano ay nagtulak sa kanya noon upang mapabaling sa droga at alak; ilang taon matapos ang hiwalayan nila sa kanyang dating asawa na si Panfilo Lacson Jr. o mas kilala bilang Pampi Lacson.

Sa kabila ng kasikatan ng aktres sa kanyang karera, nasabi ng pangunahing bida sa “Dear Other Self” na ang kanyang tagumpay at kasikatan ay tila walang saysay noon.

“Before becoming a workaholic, I became an alcoholic. I drank day and night. I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyunan ‘yung feeling ko of pain and emptiness’. When alcohol wasn’t enough, I turned to drugs. I felt empty. I pretended to be okay when the truth is hindi naman talaga. I was in and out of bad relationships that left me all the more wounded and broken,” tinuran umano ng aktres.

Ayon sa ulat ng Cebu Daily News, inamin ng aktres na napakagulo ng buhay niya noon.

“I got married at the age of 22. The marriage lasted for five years. Siguro, iniisip ko, nagpakasal kami at a very young age na we didn’t really know each other, pag-amin ng aktres.

Nagsama sila Sta. Maria at Lacson bilang mag-asawa sa loob ng limang taon at sila ay nagka-anak, si Panfilo III or “Thirdy”, na ngayon ay 10 taong gulang na.

Ayon pa kay Sta. Maria, ang immaturity ang naging dahilan ng bigo nilang pagsasama; na kung saan ay naapektuhan ang kanilang anak.

“Instead of bringing out the best in each other, it brought out the worst in us. At that point, we could not protect Thirdy from the chaos in the home, so we decided to separate,” aniya.

Pahayag pa ng aktres na habang nasa proseso sila ng annulment, ay lalo pa siyang nakaramdam ng pagkagkasawi. “Alam n’yo kung gaano ito ka-pangit na ilahad sa korte lahat ng detalye, simula nang magligawan kayo, hanggang sa maging mag-boyfriend kayo, hanggang sa kinasal kayo, hanggang sa kung ano man ang nangyari kung bakit kayo naghiwalay. My life was such a mess na hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. I needed attention. I needed acknowledgment. It even showed in the relationship I had with him. No matter how unhealthy and abusive, I stayed in the relationship because it felt okay, may nagmamahal sa akin at may nakakapansin,” paglalahad niya.

Sinabi ni Jodi na muli niyang naayos ang kanyang sarili at nagsimula muli; ito ay mula nang siya ay naging Christian. Pinasalamatan ni Sta. Maria ang beteranang aktres na si Coney Reyes, dahil sa panghihikayat nito sa kanya na dumalo sa simbahan.

Sinalaysay din ng aktres na nagawa niyang itigil ang paninigarilyo, alak at droga pagkatapos niyang maging Christian.  “I have a newfound respect for my body now, and I have to take care of it,” aniya.

Noong 2014 naiulat na magsasalita si Jodi ng tungkol sa kanyang annulment sa tamang panahon.