Panoorin: Lalaki nakipagbuno sa higanteng panda

Larawan mula sa CCTV News via You TubeLarawan mula sa CCTV News via You Tube

Naging viral ngayong linggo ang video ng isang lalaki nang makuhanang  nakikipagbuno sa higanteng panda sa Nanchang Zoo sa Southern China, Beijing.

Nakunan ang video nitong Huwebes kung saan si Chen (lalaki) ay palihim na kinakalabit at pinipindot sa ulo si Meiling; ang 120-kg babaeng panda habang ito ay natutulog.

Ang 12-taon gulang na panda ay nagising at kinuha ang binti  ni Chen sabay  ang pagtulak sa kanya sa lupa. Matapos ang pagbubuno ng panda at Chen na umabot ng limang minuto, si Chen ay nakatakas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng panda at tumakbong papalayo.

Ayon sa ulat ng People’ Daily, nais lamang ni Chen na magpakitang-gilas sa dalawang babae na kaniyang kasama sa zoo kaya nagawa nitong makipaglaro sa higanteng panda.

Ang higanteng panda ay premyado sa China at makikita bilang konserbasyon ng matagumpay na istorya,  at katanyagan sa Beijing.

Panoorin sa videong ito ang paglalaban ng lalaki at panda: