Rosanna Roces ikakasal na sa kanyang partner sa December 10

Image from Cresencio Gaba Agbayani Jr. Facebook account

Ikakasal na ang dating sexy actress na si Rosanna Roces sa kanyang kasintahan na si Blessy Arias sa ika-10 ng Disyembre.

Inanunsyo ang kasal ni Osang, palayaw ni Rosanna Roces, at Blessy sa Facebook page ng Same Sex Holy Union Wedding of the LGBTs Christian Church Inc. noong nakaraang linggo. Sa kalakip na larawan, sinabing si Rev. Cresencio Agbayani ng nasabing LGBTs church ang magkakasal sa dalawa.

Gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Osang at Blessy sa Alexa’s Secret Garden sa Barangay Cupang sa Antipolo City.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Rev. Agbayani na isang karangalan para sa kanya ang mag-officiate sa Holy Union Rite ng dalawa. Dinugtungan pa niya ito ng mga hashtags na #LoveWins, #WalangPagtatangiWalangPanghuhusga, #LoveConquersHate, #LoveHasNoGender, #LoveIsLoveIsLOve, #LGBTSChristianChurchInc, #WeAreFamily, #LoveMakesAFamily

Nag-post naman si Rosanna ng larawan ng wedding invitation sa kanyang Facebook account na gamit ang tunay niyang pangalang Jennifer Cruz Adriano.

Source :

Facebook, ABS-CBN, PEP