Coco Martin Umaasang Makatrabaho si Liza Soberano

Larawan mula sa Instagram post nina mr.cocomartin at lizasoberanoLarawan mula sa Instagram post nina mr.cocomartin at lizasoberano

Umaasa pala si Coco Martin, aktor at main star ng ‘Ang Probinsyano’ na makatrabaho niya si Liza Soberano; aktres at modelo.

Nagbigay ng reaksyon si Coco sa bali-balitang gagawa siya ng isang TV series kasama si Liza.

“Sana matuloy, sana magkaroon,” saad ni Coco. Aniya, isang pangarap na matutupad kung makakatrabaho niya si Liza.

Sa isang panayam kay Liza, nasorpresa siya nang tanungin sa napababalitang proyekto kasama si Coco, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ayon kay Liza, isa sa mga bida ng upcoming movie ‘My Ex And Whys’ kasama ang ka-love team na si Enrique Gil, aktor at modelo, siya ay bukas sa ideya na makatrabaho ang “good actor” na si Coco.

“I’m willing to work [with him], of course. Coco, he is a good actor,” tugon ni Soberano.

[Siyempre, payag ako na makatrabaho siya. Si Coco ay isang magaling na aktor.]

Ang ‘My Ex and Whys’ ay handog ng Star Cinema, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.