[Panoorin] Lalaking tila Nagmamakaawa, Patay sa Pamamaril

Larawan mula sa You Tube via GMA News

Pinaslang ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng salarin na sumusunod sa kaniya sa Burgos St., Barangay Concepcion sa Malabon dakong 10:30 n.g., nitong Huwebes.

Sa ulat ng GMA, ipinakita sa kuha ng closed-circuit-television camera (CCTV) sa Malabon ang pagpaslang sa isang lalaki na tila nagmamakaawa  pa na huwag itong patayin.

Sa video footage, lumingon pa umano ang  biktima sa lalaking sumusunod  sa kaniya na makikitang may nakatagong baril sa likod.

Nang  nagsimulang tumakbo ang biktima ay agad siyang pinaputukan ng salarin hanggang sa siya’y bumagsak,

Kapansin-pansin ang pagmamakaawa ng biktima sa salarin ngunit muli siya nitong pinagbabaril kahit sugatan na.

Mapapansin din sa CCTV na matao at maraming sasakyan ang dumaraan sa lugar.

Tinangay ng  salarin ang laman ng bulsa ng biktima, bago umalis na parang walang nangyari.

Walang nakuhang pagkakakilanlan sa salarin, at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para alamin kung makikilala ang suspek sa kuha ng CCTV.

Panoorin ang ulat mula sa UB ng GMA News:

 

 

Source :

You Tube, GMA, Google