[Video] Pia Wurtzbach: Nagpasalamat sa mga Sumuporta sa Kanyang Panawagan Hinggil sa Kamalayan sa HIV o AIDS

Larawan mula sa Instagram post ni Pia Wurtzbach

Pinasalamatan ni Pia Wurtzbach, kasalukuyang Miss Universe, ang mga taong sumuporta sa kanyang panawagan, hinggil sa pagbibigay ng kamalayan sa pagtaas ng bilang ng mga may mga HIV (Human Immunodeficiency Virus) infection.

Aniya: “This is why I love you guys!! Together we can raise awareness and make sure we’re on the right track to ending HIV/AIDS.”

[Ito ang dahilan kung bakit ko kayo mahal!! Sa pagsasama-sama natin, maitataas natin ang kamalayan at masisiguro natin na nasa tamang landas tayo sa pagsugpo ng HIV/AIDS.]

Ipinakita din ni Wurtzbach sa kanyang Instagram post ang isang video clip ng mga tumugon sa kanyang panawagan, ayon sa ulat ng GMA NEWS ONLINE.

Sa inisyal na ulat ng Kicker Daily News, humingi ng tulong si Wurtzbach sa kanyang mga tagasunod na samahan siyang itaas ang kamalayan sa HIV o AIDS sa pamamagitan ng pagsulat sa palad ng: ‘prep’, ‘safe sex’, ‘no violence’, ‘equal access’, ‘get tested’ o ‘know your status’, at pag-post nito sa kanilang social media account.

Sa panawagan ni Wurtzbach, nag-post siya ng kanyang larawan sa kanyang social media account, habang ipinakikita ang kanyang palad, na may nakasulat na ‘Get Tested’ kaugnay ng kampanya para sa World AIDS ( Acquired Immune Deficiency Syndrome) Day.

Nitong ika-27 ng Hunyo, nangampanya rin si Wurtzbach na magsuri kaugnay sa HIV, ayon sa ulat ng NEWS CENTRAL PH.

Ani Wurtzbach, isa sa walong tao ay may HIV ngunit hindi nito alam. Aniya, may ilang indibidwal na hindi nakakakuha ng sapat na atensyon at pangangalaga na kinakailangan nila upang sila ay manatiling malusog at maiwasang makaapekto sa iba.

Panoorin ang video clip ng mga tumugon sa panawagan ni Wurtzbach upang ikampanya ang kamalayan sa HIV infection