[Video] PNP Chief Dela Rosa, Nagulat sa Biglaang Pag-usok ng Hawak na Paputok

Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Muntik nang sumabog ang isang paputok na hawak ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa habang nagsasagawa ito ng inspeksiyon sa isang tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.

Sa video footage na inilabas ng GMA “News TV Live” nitong Martes, nagulat si Dela Rosa kabilang ang ibang mga opisyal at miyembro ng media habang sinusuri ang iba’t ibang iligal o ipinagbabawal na paputok.

Hinawakan ni Dela Rosa ang isang malaking paputok nang bigla na lamang itong umusok na nagresulta ng bahagyang pagkakagulo sa lugar.

Kaagad itong binitawan ni Dela Rosa at napatakbo kasama ang iba pang pulis at mga tao roon.

Upang siguruhing ligtas sa naturang paputok inilayo ni Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., Bulacan Police Provincial Director sa gitna ng kalsada at binuhusan ng tubig ng mga taga-barangay.

Hindi naman naipaliwanag sa ulat ang sanhi kung bakit  umusok ang paputok.

Kasama ni  Dela Rosa ang PNP Civil Security Group sa pagsasagawa ng inspeksiyon.

Panoorin ang kabuuan ng ulat na ito sa video ng GMA:

Source :

You Tube, GMA