13 Patay sa ISIS Suicide Car Bomb sa Eastern Baghdad

Imahe mula sa Twitter account ni Lawk GhafuriImahe mula sa Twitter account ni Lawk Ghafuri

May 13 katao ang namatay at higit sa 50 ang sugatan sa pagsabog ng isang suicide car bomb ng mga Islamic State sa isang palengke ng gulay sa Eastern Baghdad nitong Linggo; ito ay ayon sa mga pulis at mediko.

Nagmaneho umano ang attacker papasok sa loob ng gate ng pamilihan sa Shi’ite distrito ng  Jamila at dinetonate ang bomba pagtapos paputokan ng security  forces ang sasakyan, ayon sa source ng pulis.

Inako ng Islamic State ang pag-atake sa isang online statement, at sinabing ang tinarget ng bomber ay ” a gathering of Shi’ites” sa lugar.

Sa ulat ng GMA, ilang serye na umano ng pag-atake na naganap sa kapital ng Iraq at ibang lungsod ng bansa ang nag-iwan ng dose-dosenang patay sa loob ng mahigit isang linggo lamang.

Maraming pag-atake na rin ang inako ng Islamic State, na diumano’y dahil sa tumataas na pressure mula sa US-backed na pag-atake sa Mosul; ang huling moog ng grupo sa Iraq.

Inaasahan na ang Islamic State ay mas higit pang babaling sa mga bomb attacks at mga kawangis na taktika  saanman sa Iraq bunsod ng pagkakataboy sa mga ito palabas ng Mosul.

 

Source :

Twitter, GMA