195 PNP Personnel Nagpositibo sa Paggamit ng Shabu

Image from PNP Facebook PageImage from PNP Facebook Page

Halos 200 sa 165,000 personnel ng Philippine National Police (PNP) na sumailalim sa random drug testing simula noong nakaraang  taon ang nagpositibo sa droga; ito ay ayon sa PNP Crime Laboratory nitong Martes.

Ayon kay Superintendent Irene Rigonan, operations chief ng PNP Crime Laboratory, 188 uniformed personnel at pitong non-uniformed personnel ang nagpositibo umano sa paggamit ng shabu mula Enero 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Karamihan sa mga nagpositibong pulis ay mula sa CALABARZON Region kasunod ang Metro Manila. Wala namang naitalang positibo sa Cordillera Administrative Region, dagdag pa ni Rigonan.

“Ang pinaka-ranking po is chief inspector at lowest ay PO1,” ani Rigonan.

Tiniyak naman ni Rigonan na walang nagpositibo sa paggamit ng marijuana; ayon sa ulat ng GMA.

Ani Rigonan, 90 porsiyento ng drug testing ay isinagawa sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Crime Lab deputy for administration Senior Superintendent Ligaya Sim, taunan silang nagsusumite ng at least 25 to 50% ng mga police force para sa random drug tests o sa panahon ng promosyon  o schooling.

Kasi prior sa ating crime against drugs, regularly mayroon tayong mandatory drug test na yearly required kami at least 25 or 50 percent ng strength namin na-drug test. Pero ngayon 100 percent under the time of President Duterte,” ani Sim.

But aside from the 100 percent, meron pa tayo na regular na kada promotion, before promotion, and schooling may drug test,” dagdag pa nito.

Ang resulta ng naturang drug tests ay ipinasa na sa  PNP Internal Affairs Service and the Directorate for Investigation and Detective Management kung saan ang mga pulis na kasangkot ay posibleng matanggal sa serbisyo.

Source :

GMA, Inquirer