Awra Bilang Daniel Pandilla, Lumantik Ang Mga Daliri Kaya Hindi Nagwagi?

Mga imahe mula sa Video ng ABS CBN via You Tube at Wikipedia

Muli na namang umeksena si Awra Briguela sa celebrity kids edition of “Your Face Sounds Familiar,“ subalit bigong magwagi sa ikalawang Linggo.

Si Elha Nympha ang nagwagi sa paggaya nito kay Mega Star Sharon Cuneta sa pag-awit ng “Bituing Walang Ningning”  nitong Linggo.

Si Elha ay nakakuha ng perfect score na 24 mula sa mga judges na nagresulta sa pagkakapanalo nito sa ikalawang linggo ng contest.

Sa pagkakataong ito sinubukang gayahin ni Awra ang heartthrob na si  Daniel Padilla habang inaawit ang “Nasa Iyo Na Ang Lahat,” ngunit bagama’t hindi ganoon ka-impressive ang kantang pagtatanghal, naghatid naman ito ng kaaliwan sa mga judges at mga manonood.

Aminado si Awra na nahirapan siyang gayahin si Daniel, lalo na’t hindi niya namalayan ang pagpilantik  ng kaniyang kamay habang naglalakad sa  entablado.

Entertainment value-wise, nakaka-entertain ka naman talaga. Pati iyong mga accidental kembot eh naka-entertain naman sa akim. Although I can’t say that this is your best, compared to last week, pero magaling ka talaga at huwag mong kalimutan iyan,” ani Sharon Cuneta kay Briguela.

Sa pagkakataong ito, ang tatlong hurado ay nag-demand pa kay Awra dahil naniniwala sila na may ilalabas pa itong mas mahusay na performance.

Kung ano iyong grabeng performance mo last week, dito parang halatang hindi ka komportable . . . Kaunting arte pa, dapat nilabas mo pa iyong angas mo kasi kaya mo eh,” ani Alcasid.

Para kay Gary V: “Na-impress ako sa boses mo, Awra, minsan mahirap gumaya sa isang talent na katulad ni Daniel na walang masyadong ginagawa sa stage ngunit grabe ang dating.”

Kabilang din sa mga nag-perform sina  Sam Shoaf  bilang Alicia Keys, Alonzo Muhlach bilang Rico J. Puno, at Lyca Gairanod bilang Lady Gaga.

Noong nakaraang Linggo, nag-trending ang paggaya ni Awra kay Mommy Dionisia, ina ni Filipino boxing icon Senador Manny Pacquiao.

Panoorin ang performance ni Awra sa video na ito ng ABS CBN:

https://www.youtube.com/watch?time_continue=484&v=57NQHsHHO58