Babae Natagpuan sa Kalye, 6 Pulgadang Pako Nakabaon sa Kaniyang Bungo

Imahe mula sa GMA News via You Tube

Misteryoso ang pagkamatay ng isang babae na nakitang walang malay sa kalsada sa Sultan Kudarat, Maguindanao noong madaling araw ng bagong taon at kalaunan ay natuklasang may nakabaong anim na pulgadang pako sa kaniyang bungo.

Isinugod lamang ng mga nagmalasakit na residente ang babaeng walang malay  sa ospital; ito ay ayon sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Miyerkules.

Nilapatan pa ng paunang lunas  at tinahi ang sugat na nakita sa ulo ng biktima dahil sa pag-aakalang naaksidente lamang ang biktima.

Dahil hindi bumuti ang kaniyang kalagayan ay isinailalim ang biktima sa x-ray at doon na nakita ang anim na pulgadang pako sa kaniyang bungo.

Pumanaw ang babae na hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung papaano nagkaroon ng pako sa bungo ang babae at kung sino siya.

Panoorin ang kabuuang ulat na ito sa video ng GMA:

Source :

You Tube, GMA