HuliCam! Mga Kawatan, Nilimas Ang Mga Gamit at Salapi ng Babae sa Pasay City

Imahe mula sa video ng ABS CBN via You Tube

Kamalasan ang inabot ni alias Rhian noong Enero 1,  nang papauwi na siya inuupahang bahay sa Malibay St., Pasay City nang harangin siya ng isang lalaki habang papaakyat sa isang over pass.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 144, kita ang pagtutok ng baril sa babaeng biktima; ilang segundo lamang ay nalimas na ng suspek ang laman ng bag ng biktima na cell phone at cash.

Nakita naman po sa video na napaatras naman po ako sa sobrang takot, nilapitan niya po ako at tinutok niya po ang baril, doon ko na sinabi na bibigay ang gamit ko kasi natakot na po ako.”

Agad tumakas ang suspek kasama ang isa pang kasabwat lulan ng isang motorsiklo.

Dahil malinaw ang mukha ng suspek sa video, naisip ni alias Rhian na i-post  sa social media ang mukha ng suspek upang makakuha ng lead sa pagkakakilanlan ng mga suspek .

Hinala ng pulisya, sa karatig lugar lamang  nambibiktima at gumagala ang mga suspek. Aminado naman ang  Barangay 144, madalas ang nakawan sa naturang overpass kahit pa patuloy ang pagronda ng mga pulis at barangay tanod sa lugar.

Nangako naman ang Barangay na maglalagay ng karagdagang tauhan at ilaw upang maiwasan ang holdup-an  sa lugar.

Dahil sa takot, mas pinili ni alias  Rhian na humanap ng ibang madadaanan, at baka maulit  ang naturang pangyayari.

Panoorin ang ulat na ito sa video ng ABS CBN:

Source :

You Tube

Related posts


Loading...