Japan, Sasali sa PHL-US Military Exercises  sa 2017

Image via Exercise Balikatan on FacebookImage via Exercise Balikatan on Facebook

Sasali ang Japanese forces sa military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa 2017; ito ay ayon kay Japanese Foreign Press Secretary, Yasuhisa Kawamura, nitong Huwebes.

And the Balikatan, which is the joint exercises conducted between the United States and the Philippines, for this year Japanese defense forces is going to attend,” ani Kawamura.

Ang Balikatan ay taunang  bilateral exercise sa Pilipinas at Estados Unidos sa puwersa ng military na nakatuon sa  partnership, humanitarian assistance,  disaster relief capabilities, capability development, at modernisasyon ng militar.

Magugunitang nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa presensya ng US military sa bansa. Aniya nais niyang tapusin ang joint military exercises sa treaty ally ng bansa. Ngunit inaprubahan ni Pangulong Duterte ang mungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipagpatuloy ang Balikatan exercises.

Nais ng Pangulo na wala na sa bansa ang mga foreign troops bago pa man matapos ang kaniyang termino.

Ibinahagi ng Exercise Balikatan ang ilang larawan ng pagsasanay sa kanilang Facebook page:

Shoring Exercise and Transfer of Technology. #Balikatan — at Camp Capinpin, Tanay Rizal.

Source :

GMA, GMA, Facebook