Kambal, Ipinanganak na Magkaiba ang Kulay ng Balat

Image capture of video by InformOverload via You Tube account

“Alam mo ba na isa lamang sa 500 kambal ang ipinapanganak na magkaiba ang kulay ng balat?”

(Quincy, Illinois) Sa kabila ng pagkakaiba ng kulay ng kanilang mga balat, ang baby girls na sina Kalani and Jarani Dean ay talagang kambal.

Si Kalani ay maputi at may kulay asul na mga mata, habang si Jarani ay kayumanggi at kulay brown ang mga mata.

Ayon sa mga magulang ng kambal na sina Whitney Meyer at Tomas

Si Meyer ay maputi habang si Dean ay may kaitiman —  na siyang paliwanag hinggil sa pangyayari sa kambal, ayon sa ulat ng KTLA 5 News.

Ang kambal ay ‘dizygotic’, scientific term para sa fraternal twins. Ang bawat kambal ay magkahiwalay na na-fertilize, isang monozygotic, o identical twins na nagsimula mula sa parehas na itlog at nagkahiwalay.

Turan ng ina ng kambal ayon sa KHQA, “It’s so rare I didn’t think it’d happen to my twins! But sure enough they’re biracial twins!”

[Sobrang bihirang mangyari ang ganito hindi ko inisip na mangyayari ito sa aking kambal. Pero eto, sila ay biracial twins!]