P120-M Halaga ng  Iligal na Droga Nasamsam sa  Cebu City; Mag-asawa Arestado

Image from ViceImage from Vice

CEBU CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang may P120 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa ikatlong highest-valued targets sa Sitio Villa, Barangay Basak sa San Nicolas, nitong Sabado.

Ang  mga suspek ay kinilalang sina Mark Abellana, 37,  at ang asawang si Mercy Abellana; ayon kay City police chief Senior Supt. Joel Doria.

Nasamsam sa mag-asawa ang 10 pakete ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na may timbang na 10 kilo bawat isa kabilang ang P10, 000; ito ay ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ayon kay Doria, nasakote ang mga suspek  matapos ang tatlong buwan ng surveillance operation na nagsimula matapos ang pagkakaaresto ng isa pang high-value target na si Melchor Ocarol, noong Nobyembre 8.

Pinangalanan ni Ocarol ang isang Rea Carnecil bilang kaniyang supplier.  Arestado ito sa isinagawang “Oplan Pokemon” sa Cebu City nitong Biyernes.

Tinukoy naman ni Carnecil ang mag-asawang Abellana na pinagkukuhanan nito ng iligal na droga; ayon ito kay Doria.

Ang mag-asawa  diumano ay kumukuha ng iligal na droga sa kanilang kamag-anak sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Ang source nila is sa New Bilibid Prison, meron silang kapatid doon na si Michael Abellana. Through phone call and the imi-meet-up sila, this time kasi per interview natin is doon sa Metro Gaisano Colon. Doon sila nagmeet-up through taxi and then binigay, eto diniliver,” ani Doria.

Pinabulaanan ng mag-asawang Abellana ang alegasyon, at anila ang mga nasamsam na iligal na droga ay mula sa isang nagngangalang “Loloy.”