Speaker Alvarez binawi ang panawagan na mag-resign Si PNP Chief De la Rosa

Image from Christopher "Bong" Go

Binawi na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang nauna niyang panawagan na magbitiw sa puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Del a Rosa dahil sa kaso ng pagkidnap at pamamaslang sa Koreanong si Jee Ick Joo.

Ayon sa Inquirer, sinabi ng House Speaker sa isang pahayag na bukas na siya na bigyan ng tsansa si De la Rosa na linisin ang hanay ng kapulisan.

“I have said my piece at ito naman ay siguro… ay sasang-ayon ako doon sa mga ibang nagmungkahi na bibigyan natin ng pagkakataon si Chief PNP natin na ayusin ‘yung mga gusot na hinaharap ngayon ng PNP,” ani Alvarez.

Napagtanto raw niya na bagama’t maraming scalawags sa hanay ng PNP, marami pa rin naman ang mga pulis na matitino.

Dagdag pa ni Alvarez, hindi naman naapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ni De la Rosa dahil sa kanyang panawagang mag-resign ito. Katunayan, dumalo siya sa kaarawan ng PNP chief noong Linggo,ika-22 ng Enero.

“Gusto ko lang linawin na siyempre, hiwalay ‘yung pagkakaibigan at saka doon sa trabaho natin. Naimbitahan naman ako ni General Bato doon sa birthday niya, so nagpunta ako bilang kaibigan din,” sabi ni Alvarez.