Barbie, nagbigay ng reaksyon sa pahayag ni Kiko na mahal pa rin siya nito

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Nagulat daw ang aktres na si Barbie Forteza sa biglaang pag-amin ng dati niyang kasintahang si Kiko Estrada na mahal pa rin siya nito.

Ayon sa PEP, sinabi ni Forteza na hindi niya inasahan na magiging vocal bigla ang aktor.

“Wow, sana na-realize niya iyon. Pero nagulat din ako na ganun siyang ka-vocal bigla na kung kailan nawala at saka siya naging sobrang vocal,” aniya.

Gayunman, huli na raw ang pagiging vocal ni Estrada sa pagmamahal nito sa kanya.

“Ewan ko, kasi parang para sa akin, it’s too late to be vocal about it. Parang kahit gaano man namin pag-usapan, tapos na, e. Parang ngayon, ayaw ko muna,” wika ng aktres.

Kamakailan ay iginiit ni Estrada na hindi niya niloko ang dating kasintahang si “Kapuso Primetime Princess” Barbie Forteza. Aniya, ang kanilang relasyon ay isang kuwento ng tamang pag-ibig sa maling panahon at hanggang ngayon ay mahal niya pa rin niya ang aktres.

Ayaw umanong isipin ni Estrada na hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon nila ni Forteza; marahil lamang daw ay mas pinili nilang pareho ang career kaysa love.

“Nagkulang ako sa panahon…. I did not do anything wrong. I didn’t disrespect her. I love her so much. I didn’t cheat on her!”saad ni Estrada.

[Nagkulang ako sa panahon…. Wala akong ginawang masama. Hindi ko siya binastos. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya niloko!]

“It’s the right love at the wrong time is all I can say. Wrong time because I have work. I had Sinungaling Mong Puso and then, I had to go to the gym. It’s my first lead role so I have to focus and I won an award for that lead role so I don’t regret my decisions. Pinaghirapan ko ang role na ‘yon,” dagdag ni Estrada.[Ang masasabi ko lang, iyong sa amin ay isang tamang pag-ibig sa maling panahon. Maling panahon dahil may trabaho ako. Kasama ako sa Sinungaling Mong Puso noon at kailangan ko mag-gym. Iyon ang unang pinagbidahan ko kaya kinailangan kong pagtuunan talaga ng pansin at nakakuha ako ng parangal pagkatapos noon kaya hindi ako nagsisisi sa mga desisyon ko. Pinaghirapan ko ang role na ‘yon.]

Hanggang ngayon mahal niya pa rin daw niya ang dating nobya, pinanonood niya ang mga show nito at masaya siya para rito.

“I love her until now. My love for her is more than a break up,” deklara ni Kiko.

[Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang pagmamahal ko sa kanya ay higit sa isang breakup.]

Panoorin ang pagkukuwento ni Kiko Estrada tungkol sa breakup nila ni Barbie Forteza:

Source :

PEP, DF, YouTube

Loading...