Erich Gonzales, Ibinahagi ang “New Look” Matapos ang Break Up Nila Ni Daniel Matsunaga

Imahe mula sa Intagram ni Erich Gonzales

Para maka-move on, karamihan raw ng mga babaeng nakipaghiwalay ay nagpapa-new look. Totoo nga ba?

Ibinahagi ni actress Erich Gonzales ang kaniyang bagong hairdo sa kaniyang Instagram account; ito ay matapos kumpirmahin ang paghihiwalay nila ng aktor na si Daniel Matsunaga.

Si Erich ay nagpaalam sa kaniyang mahabang buhok na pinalitan na ng makapal na shoulder-length bob cut; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Marami sa kaniyang mga fans ang nagpahayag ng kanilang suporta sa “Be My Lady” star na nagsabing na hindi na sila nag-uusap ni Matsunaga matapos ang kanilang hiwalayan.

It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang magdetalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan,” ani Erich.

Taong 2015 nang magsimula ang kanilang relasyon. Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanilang hiwalayan na nag-trending online matapos pagbuburahin ng aktres ang mga larawan na magkasama sila ni Matsunaga mula sa kaniyang Instagram account.

Inamin nina Erich at Daniel na walang third party na kasangkot sa nasira nilang relasyon. Tumanggi namang magbigay ng detalye ang dalawa sa kanilang paghihiwalay.

A new beginning, yes!