Hugis Puso na Talaba, Bida Ngayong Valentine’s Day

Larawan mula sa ABS-CBN via Facebook page

Bida ngayong Valentine’s Day ang hugis puso na talaba.

Ito ay likha ni Christophe Guinaut, isang oyster farmer, sa Mediterranean coast ng France.

Matagumpay na umanong ginagawa ito ni Guinaut sa loob ng 10 taon.

Ang espesyal na dish na ito ay matatagpuan sa top restaurants ng rehiyon para sa Valentine’s Day, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ayon kay Guinaut, ito ay nagsimula bilang love offering mula sa kanyang misis.

Dagdag pa ni Guinaut, binigyan siya ng kanyang misis ng hugis puso na talaba kung kaya’t nagkaroon siya ng ideya na mag-cultivate ng talaba na ganitong hugis.

“That gave me the idea to try to cultivate oysters in that shape,” saad ni Guinaut.

Si Guinaut ng Port-Leucate sa Languedoc region ay sumubok ng ilang beses bago maperpekto ang technique sa paggawa ng romantic na talaba, ayon sa ulat ng Channel News Asia.

“I keep secret how I make them,” turan ni Guinaut. Dagdag pa niya, bawat taon ay sinisikap pa rin niyang mas maiayos pa ang proseso.

Nagbunga ang ‘labor of love’ ni Guinaut; katunayan, pumupunta sa kanya ang mga sikat na restaurants, kabilang ang tatlong Michelin starred Can Roca sa Girona, Spain, kung saan itinuring na ‘world’s best restaurant’ noong 2015, ayon sa ulat ng Daily Nation.

Ani Guinaut, binebenta niya ang mga talaba tulad ng benta niya sa iba at hindi niya ito ginagawa para sa pera.

“I sell them for the same price as the others even though they are three times more work,” ani Guinaut. Dagdag pa niya: “I don’t do it for the money.”

Sinabi ni Guinaut na ito ay pagpapatuloy ng isang beautiful romance. Gusto niyang isipin na ang mga taong bumibili nito ay may parehas na emosyon ng tulad ng sa kanya matapos siyang mabigyan ng kanyang misis ng ganitong hugis.