Panoorin: Motorcycle rider, biktima ng tanim-droga?

Image capture of video by Madam Claudia via FacebookImage capture of video by Madam Claudia via Facebook

MAYNILA, Pilipinas – Hindi makapaniwala ang mga netizen sa kumakalat na video ngayon sa social media kung saan makikita ang isang motorcycle rider na diumano’y nakunan ng ilang pakete ng shabu sa ilalim ng kaniyang upuan.

Ang naturang video ay ibinahagi sa Facebook page na Madam Claudia nitong Biyernes, ika-17 ng Pebrero, subalit hindi pa matukoy kung saan at kung kailan ito nangyari.

Sa video, makikita ang isang lalaki na mayroong mga kasamahan na binubuksan ang upuan ng isang motorsiklo. Hindi pa malaman kung saan nahuli ang nasabing motorsiklo subalit makikitang ang drayber nito ay nakaposas na.

Tinatanong pa ng mga kalalakihan kung nasaan ang susi ng motorsiklo at kung bakit ayaw itomg ibigay ng drayber.

Sa komento sa video ay may tumugon hinggil sa susi:  “Bro pakinggan mo yung sinasabi 2 daw yung susi yung isa naputol niya sa susian dahil ayaw niyang ibigay at ‘yung isa kinuha daw nung mga tao kaya nagpatawag sila ng magbubukas.”

Nang matapos, pinalapit ang drayber upang siya mismo ang magbukas. Dito na nagulat ang drayber na mayroong nakalagay na pakete ng shabu sa ibabaw mismo ng kaniyang mg gamit.

Todo-tanggi naman ang drayber at ipinipilit na hindi kaniya ang drogang nakita.

Nang halungkatin ang mga gamit, mayroon pang nakitang ilang piraso ng shabu sa ilalim nito.

Halos maglupasay naman sa sama ng loob at pagkadismaya ang drayber dahil sa naging takbo ng pangyayari, hanggang sa tuluyan na itong maiyak.

Ipinilit pa ng drayber na miyembro siya ng “Singles For Christ” at handa umano siyang sumailalim sa ‘drug test’.

Samantala, maririnig naman na naghahalakhakan pa ang mga lalaking nakapaikot sa kaniya.

Maraming netizen ang nagtatanong kung ang droga nga ay talagang dala-dala ng drayber o itinanim lamang. Kung talaga daw pag-aari ito ng drayber, bakit hindi man lang nakatago o kaya ay inipit nang maigi sa kaniyang mga gamit.

Ito nga kaya ay isang kaso ng tanim-droga? Iyan ang tanong ng karamihan.

Panoorin ang video (lalo na ang reaksiyon ng drayber):

Source :

Facebook