Pacquiao, Khan Nagkasundo na sa Kanilang “Super Fight” sa Abril 23

Public Domain

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang mga kampo nina Filipino boxing icon Senator Manny Pacquiao at British star Amir Khan na magharap sa Abril 23; ayon sa ulat ng The Guardian.

Sa Twitter post ni Senador Pacquiao nitong Linggo, sinabi nitong nagkasundo na ang magkabilang panig at ito raw ang nais na laban kaniyang  mga fans.

Halos ganito rin ang inihayag ni Khan sa kaniyang Twitter account na tinawag niyang “super fight”:

Si Khan, ang landslide winner sa isinagawang poll ni Pacquiao sa kaniyang  Twitter account, na magugunitang hiniling ng Senador sa mga fans kung sino ang nais nilang susunod na makakalaban.

Wala sa dalawang boksingero ang nagbanggit sa venue ng kanilang napipintong laban.

Ngunit ayon kay Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, sinabi nito na ang posibleng venue ng laban  ay sa Dubai o Abu Dhabi.

Nauna nang naibalita na si Jeff Horn ang makakalaban ni Pacquiao ngunit ito ay naudlot diumano.