Panoorin: ‘Malupit’ na version ni Makisig Morales ng ‘Versace on the floor’

Image capture of Makisig Morales video via You Tube

MAYNILA, Pilipinas – Viral ngayon sa social media ang version ni Makisig Morales ng Bruno Mars hit na ‘Versace on the Floor’.

Ibinahagi ng dating child actor-singer ang kaniyang madamdaming pag-awit ng bagong kanta ni Mars sa kaniyang You Tube channel at humakot na ito ng mahigit kalahating milyong views sa loob lamang ng ilang araw.

Marami naman ang humanga sa vocal range ni Morales dahil kahit na binata na ito ay naabot pa rin ang mataas na antas na boses ng nasabing kanta.

“Nakakabilib talaga itong si Makisig. Binatang binata na at ang galing pang kumanta. Akalain mo yun? Naabot niya ang ganung kataas na kanta?” sabi ng isang tagahanga na nagbahagi ng video sa social media.

“Ang laki na ni Super Inggo! Nagulantang ang online community sa husay ni Makisig S. Morales sa pag kanta!” dagdag naman ng isa pang Facebook page.

Ayon sa dating ‘Super Inggo’, hiniling umano ng kaniyang mga tagahanga na awitin niya ang nasabing kanta.

Panoorin: