[Panoorin] Pasaherong Diumano’y Nanghipo ng Dalaga, Binugbog ng Nag-aabang na Ama ng Biktima

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Walang sinumang ama ang makapapayag na makaranas ng pambabastos ang kaniyang anak lalo na’t babae. Hanggang saan kaya maaaring protektahan ng ama ang kaniyang anak?

Bugbog ang sinapit ng isang lalaking pasahero ng jeep dahil sa panghihipo umano sa kaniyang kapwa pasahero sa Mangaldan, Pangasinan.  Nang maganap ang pambabastos ay walang kamalay-malay ang suspek na nakatawag na pala ito sa kaniyang ama na isang barangay kagawad at nag-abang sa barangay hall kung saan huminto ang jeep.

Nagngingitngit sa galit na isinalaysay ni Armando Alcantara ang pambabastos na ginawa ni Romulo Landingin sa kaniyang 18-anyos na anak na dalaga, nitong Miyerkules; ayon sa ulat ng GMA.

Sumakay ng jeep ang 18-anyos na babae at sumakay din si Landingin at tumabi sa biktima. Maya-maya pa umano’y hinawakan na raw ng suspek ang maselang bahagi ng katawan ng babae.

Umiiyak na tumawag ang biktima sa kaniyang amang barangay kagawad at inabangan ang pagdating ng jeep.

Anong ginawa sa iyo? Nilamas po ‘yung ******,”  salaysay ni Kagawad Armando Alcantra.

Dahil batid ng driver ang naganap na pambabastos sa biktima, inihinto nito ang jeep at ibinaba ang suspek  sa tapat ng barangay hall  na kinaroroonan ng ama ng biktima na noo’y nakaabang na.

Aminado si Landingin sa kasalanan,  at aniya ay nagawa lang daw niya ito dahil sa kalasingan.

Ayon naman sa mga awtoridad, ilang beses nang inireklamo si Landingin sa kaparehong insidente.

Sinampahan na ng reklamong acts of lasciviousness si Landingin.

Panoorin ang video na ito ng GMA:

Source :

You Tube, GMA