[Panoorin] Senior Citizen, Nabiktima ng Budul budol Gang?

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Isang 66-anyos na lola ang nabiktima ng diumano’y budul budol gang matapos magpanggap ang isang babae na magrerenta ito sa kanilang yunit, sa Caloocan City.

Mapapanood sa CCTV ang suspek na babae matapos biktimahin ang lolang si Edita Mahimot.

Ayon sa biktima, nagpakilala umano sa kaniya ang suspek na uupa sa kanilang silid sa halagang P3,000. Nangako rin ang suspek na magbibigay ng tatlong buwang advance payment subalit isasanla raw muna nito sa matanda ang ilang alahas at ATM card dahil bukas pa raw darating ang padalang pera ng asawang OFW.

Dagdag pa ng suspek, iiwan daw nito ang kaniyang gamit bilang patunay na uupahan nito ang unit, ayon sa ulat ng GMA.

Hiniling ng suspek  sa matanda na pahiramin muna siya ng pera, ngunit sabi ni lola magwi-withraw muna siya. Tinutulan ito ng suspek at nagsabing maaari na niyang ibigay anuman ang nasa kaniyang bulsa. Nagkataong P8,000 ang laman ng bulsa ng lola,  kinuha ito ng suspek at agad itong umalis.

Nangako ang suspek sa matanda na babalik subalit hindi na ito nagpakita pa.

Panawagan ng mga awtoridad, kung may nakakikilala sa mga suspek  ay agad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan.

Panoorin ang video na ito ng GMA:

Source :

You Tube, GMA

Loading...
  • Haynakutalaga

    Sa tagal ng modus na ganito, wala man lang akong nabalitaang, nahuli o nabugbog.