[Panoorin] Sigaw ng mga Tagasuporta ni Duterte: “Trillanes, Isunod na Ikulong”

Larawan mula sa Interaksyon

Sigaw ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte: “Trillanes!”

Ito ang nagkakaisang tugon ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte sa katanungan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pagtitipon sa Rizal Park, Quirino Grandstand, Maynila, nitong Sabado.

Tanong ni Aguirre: “Sino ang gusto n’yo isunod?” 

Iisang pangalan lamang ang sinagot ng tinatayang 15,000 katao sa nasabing pagtitipon.

“Oh tulungan ninyo ako ha,” sagot naman ni Aguirre sa mga tao, ayon sa ulat ng GMA.

Iginiit din ni Aguirre, ang mga tao na ang may gusto nito.

Ang tanong ni Aguirre ay may kinalaman sa pagkakaaresto kay Senador Leila De Lima kaugnay sa ilegal na droga na ngayon ay nakakulong sa Philippine National Police’s Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Kamakailan, binuhay ni Senador Antonio Trillanes IV ang isyu sa diumano’y dalawang bilyong pisong bank account ni Pangulong Duterte at diumano’y bank accounts ng pamilya nito.

Ayon kay Pangulong Duterte, ginagamit ni Trillanes ang kanyang posisyon upang makakuha ng suporta sa mga tao at mga pangkat na siyang ‘lucrative business’ nito.

Panoorin ang iba pang detalye mula sa video na ito: