Rendisyon ni Cacai Bautista sa classic song na “Bakit Nga Ba Mahal Kita”, trending sa social media

Image capture of video by Wish 107.5Image capture of video by Wish 107.5

Muli na namang pinatunayan ng comedian-singer na si Cacai Bautista ang pagiging mahusay niyang singer nang umawit ng isang klasikong awitin sa kanyang muling pag-guest sa Wish 107.5, ang FM radio station on wheels.

Sentimental ang pagkakaawit ni Cacai at pinuri siya ng mga social media users na nakapanood ng video ng kanyang performance, na in-upload ng Wish 107.5 sa YouTube, dahil sa kanyang napaka-powerful na boses.

Kinanta ni Cacai ang awit na “Bakit nga ba mahal kita” na pinasikat noon ni Roselle Nava.

Panoorin at humanga sa husay ni Cacai sa video na nakakuha na ng mahigit 127,000 views at 2,700 plus likes: