[Video] #HammerHead: Bagong Guinness World Records, Naitala ng Lalaking Gumamit ng Kanyang Ulo Upang Ibaon ang 38 na pako

Image capture of video by Guinness World Records via You Tube account

(Boston) Naitala ng isang lalaki ang bagong Guinness World Records matapos niyang ibaon ang 38 na pako gamit ang kanyang ulo bilang martilyo sa loob ng dalawang minuto.

Tinaguriang ‘Hammer Head’, si John Ferraro ay nagpakitang gilas sa Lo Show Dei Record, isang TV show sa Italy.

Hawak din ni Ferraro ang world record sa pinakamaraming pakong namartilyo gamit ang kanyang ulo sa loob ng isang minuto, ayon sa ulat ng PANG-MASA.

Naitala rin ni Ferraro ang may pinakamaraming bloke na natipak gamit ang bowling bowl at ang ulo noong Abril, 2011.

Nakuha lahat ni Ferraro ang world records dahil umano sa kapal ng kanyang bungo.

Ang isang ordinaryong tao ay mayroong 6 millimeters na kapal ng bungo, samantalang doble ang kapal ng bungo ni Ferraro na umabot sa 16.5 millimeters.

Si Ferraro ay isa ring professional wrestler.

Panoorin kung paano ipinukpok ni Ferraro ang 32 na pako gamit ang kanyang ulo

Throwback video: