[Video] Tutang Walang 2 Binti sa Harapan, Sinagip at Matiyagang Inalagaan ng Mag-asawa

Imahe mula sa Facebook Nubby Bowlin

Humahaplos sa damdamin ang video ng isang tutang ipinanganak na walang dalawang binti sa harapan at ang taong umampon sa kaniya.

Si Nubby, 5-linggong gulang na white boxer na aso ay hindi maabot ang kaniyang ina upang makakain. Hindi malayong namatay  ang tuta kundi dahil sa tulong na ipinagkaloob ng mag-asawang kumupkop sa kanya .

Sinagip nila Mark at Robinson Bowlin ang tuta at dinala ito sa kanilang tahanan sa Texas; ayon sa ulat ng Daily Mail.

Masyadong mahina si Nubby kaya’t hindi makakain, at hirap din sa pagtayo nito, kaya’t si Robinson mismo ang nag-aalaga sa nakakaawang tuta. Si Robinson ay matagal nang resucer ng mga hayop.

Matapos ang tatlong linggong pag-aalaga, si Nubby na ipinangalan sa stumps ng kaniyang dalawang binti ay nagsimula nang lumubha.

Nagsimula nang bumahing ang tuta, naging constipated, nawalan ng ganang kumain at naglalabas ng milk bubbles mula sa kaniyang ilong.

Ayon sa pagsusuri ng beterinaryo, nagkaroon pala ito ng esophageal abnormality, na ang ibig sabihin ay tila may bumarang bulsa sa kaniyang esophagus na naging dahilan ng pagbara ng gatas dito.

Masinsin na gamutan ang sumunod at si Nubby ay nagsimula nang sumigla, kaya’t umaasa ang beterinaryo na ang growing pains ay malalagpasan din nito.

Panoorin ang video na ito mula sa Facebook: