10 Abu Sayyaf, kabilang 2 apo ni top ASG leader Radullan Sahiron, patay sa bakbakan sa Sulu

Image from The Long War journalImage from The Long War journal

Patay ang sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa bakbakan sa pagitan nila ng mga militar sa Patikul, Jolo, Sulu noong Biyernes, ika-3 ng Marso.

Ayon sa ulat ng Inquirer, kabilang sa mga napatay na terorista ay ang dalawang apo ni Radullan Sahiron, ang top leader ng ASG. Umabot naman sa labingpito ang nasugatan sa hanay ng mga sundalo ng pamahalaan. Sabi ni Colonel Cirilo Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, ay hindi naman life threatening ang mga sugat ng mga ito.

Ang enkwentro sa pagitan ng teroristang grupo at ng mga miyembro ng 32nd Infantry Battalion ay tumagal ng dalawang oras. Iyon na ang ikalawang bakbakan simula pa noong nakaraang linggo kung kailan pinugutan ng ulo ang German hostage na si Juergen Kantner.

Sinabi pa ni Col. Sobejana na patuloy ang pagtugis nila sa mga Abu Sayyaf sa layong mailigtas ang nasa 31 pang mga hostages.