13 menor de edad, nasagip ng NBI sa human traffickers sa Cavite

Image from FBI Image from FBI

Labingtatlong menor de edad na biktima ng isang human trafficking syndicate ang nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cavite.

Ayon sa GMA, nagsagawa ang NBI ng isang entrapment operation laban sa magkapatid na sina Elvie Aringo at Arlene Aringo sa Dasmariñas City sa Cavite noong Huwebes, ika-16 ng Marso.

Sinabi ng NBI na ang mga menor de edad na nasagip ay pinupuwersa umano ng mga suspek  na gumawa ng malalaswang bagay na ipinalalabas sa internet.

Ang operasyon ng NBI ay kasunod ng natanggap na impormasyon mula sa United States Homeland Security Investigations, Immigration and Customs Enforcement tungkol sa isang indibidwal sa Dasmariñas City na nag-aalok sa mga kliyente ng sexually-related shows sa internet kung saan itinatampok ang mga menor de edad na bata kapalit ang mapagkakasunduang halaga na ipadadala sa mga money remittance centers.

Nahaharap sa mga kasong paglabag ng Republic Act 7619 (Trafficking in Persons Act) and Republic Act 10175 (Child Pornography Act) ang magkapatid na suspek.

Source :

GMA Network