15-Anyos na Bangkay na Natagpuan sa CR ng Lodging House sa Albay,  Buntis?

File PhotoFile Photo

Sinasabing ang high school life ang pinakamasayang bahagi ng buhay  ngunit ito rin ang pinakadelikadong  yugto na maaaring pagdaanan ninuman.

Isang Grade 9 high school student na diumano’y  buntis ang natagpuan sa loob ng comfort room na nakabusal ang bibig at nakalugmok sa bowl ng isang lodging house sa Brgy. Dunao, Ligao City.

Isang  pregnancy kit ang narekober sa pinagganapan ng insidente na pag-aari umano nito; ayon kay Albay Provincial Police spokesperson PC/Insp. Arthur Gomez.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad ang anggulo ng tangkang pagpapalaglag ng babae pagkat posibleng may nabuong sanggol sa sinapupunan nito.

Kasalukuyang nasa post-mortem examination na ang bangkay ng biktima upang makumpirma ang naturang hinala.

Isasailalim din sa imbestigasyon ang management ng lodging house matapos payagang makapasok ang 15-anyos sa naturang lugar.

Saad pa ni Gomez na makatutulong sana ang pagkakaroon ng CCTV sa pagresolba ng naturang indidente.

Nitong Marso 29 lamang ng umaga nang matuklasan ng security guard ng lodging house ang bangkay ng biktima na nakasuot ng kulay itim at orange na PE uniform na may nakalagay na Barayong National High School habang nakalilis ang suot na leggings.

Inaalam na rin ang lalaking nakitang huling kasama nito sa pagpasok sa lodging house.

Panoorin ang video na ito ng GMA:

 

Source :

Bombo Radyo, GMA

Loading...