19-anyos na Abu Sayyaf member, sumuko dahil nais na raw mamuhay nang normal

Image capture of video by BBC Image capture of video by BBC

Sumuko sa mga awtoridad ang isang 19-anyos na miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo, Basilan.

Sa ulat ng GMA, sinabi umano ng freelance journalist na si Peewee Bacuño na ayon kay 74th  Infantry Battalion Commander na si Lt. Col. Ernest John Jadloc ay sumuko  sa kanila ang disinuwebe anyos na si Abuhair Kajing alyas “Badero” dahil nais na umano nitong mamuhay nang normal.

Isinuko rin ni Abuhair ang kanyang armas at mga bala.

Nagpahayag naman ng kaligayahan ang mga magulang ng batang bandido dahil sa wakas ay sinunod din umano nito ang matagal na nilang ipinapayo sa kanya na sumuko na sa mga awtoridad.

Sinabi pa ni Lt. Col. Jadloc na nais raw magpatuloy ng kanyang pag-aaral si Abuhair. Nagpahayag naman ng kahandaan ang militar at ang lokal na pamahalaan ng Tipo-Tipo na tulungan ang pamilya ni Abuhair na magkaroon ng pagkakakitaan.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga kasapi ng Abu Sayyaf na magbalik-loob na sa gobyerno upang magkaroon na ng kapayapaan sa Basilan.

abu sayyaf surrenderee Image from Peewee Bacuna

Imahe mula sa Tipo-Tipo LGU via Peewee Bacuño