2 Czech National, Nalunod sa Lawa sa Coron, Palawan Matapos Mag-snorkeling

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Nauwi sa trahedya ang sana’y pagbabakasyon ng dalawang Czech national nitong Miyerkules sa Kayangan Lake sa Coron Island, Palawan City.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, spokesperson ng  Mimaropa Police Regional Office, ang mga nasawi ay kinilalang sina Jakub Brazda, 25, at Martin Sefcik, 28 na natagpuan ng mga rescue teams na nasa 21.8 meters underwater dakong 8:20 n.g.

Kasama nina Brazda at Sefcik ang ibang Czech nationals na nagrenta ng bangka upang mag-island hopping dakong 8:30 n.u.

Napagtanto ng mga kasama nina Brazda at Sefcik na nawala ang dalawa nang makabalik na sila sa hotel alas 4:30 n.h. matapos nilang mag-snorkeling sa Kayangan Lake, ayon sa ulat ng Inquirer.

Nag-free diving daw sina  Brazda at Sefcik at hindi na nakaahon pa.

Napag-alamang walang kasamang tour guide ang grupo ng mga turista nang magpunta sa lawa.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon at upang makapaglatag ng patakaran para sa kaligtasan ng mga bisita dahil sa naganap na insidente ay pansamantalang isinara ang lugar.

Panoorin ang video na ito ng GMA:

Source :

Inquirer, GMA

Loading...