21 rebelde, napatay ng militar sa Maguindanao

Imahe mula sa Philippine Military Analysis and Updates FB page.Imahe mula sa Philippine Military Analysis and Updates FB page.

COTABATO – 21 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)  umano ang napatay samantalang 26 ang sugatan sa mga atake noong Marso 13-16 sa dalawang barangay sa Maguindanao; ito ay ayon sa militar.

Subalit ito naman ay itinanggi ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama. Hinggil sa kanya, walang napatay ang air strikes ng militar sa kanilang hanay.

“The bombs only hit trees and the marshland. We were not there when the bombings occurred. We are not affected, only the civilians were displaced,” saad ni Mama, ayon sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer.

[Ang tinamaan lamang ng bomba ay ang mga puno. Wala kami roon noong binomba nila ang lugar. Walang epekto sa amin, ang mga naapektuhan lamang ay ang mga sibilyan.]

“We are still here, and we will get back soon,” dagdag pa niya.

[Narito  pa rin kami, at babalik kami.]

Itinanggi naman ni Mama na sila ay nakipag-alyansa sa mga internasyonal na terorista.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay, kanila nang inaalam kung tama ang mga ulat na may isang lalaking nagngangalang Muhammad Ali bin Abdulrahman alyas “Muawiyah”, isang Singaporean bomb expert ng Jemaah Islamiyah, ay isa sa mga napatay nila.

Sabi ni Petinglay, si Esmael Abdulmalik, kilala rin bilang “Abu Toraype”, ay napatay nila. Siya ang nagtatag ng terror group na Dawlah Islamiyah Maguindanao. Brigade commander din si Abdulmalik ng BIFF.

“Validations are being made on persistent reports that these  terrorists were killed in the well-planned, well-coordinated, and well-executed massive air and ground operations,” ani Petinglay.

[Amin nang vina-validate ang mga ulat kung ang mga teroristang ito ay napatay talaga ng maigi at pinagplanuhang mga pag-atake.]

Sabi ni Capt. Arvin John Encinas ng 6th Infantry Division, limang improvised explosive device at gamit sa paggawa ng bomba ang kanilang nakuha sa loob ng tatlong araw nilang operasyon sa mga barangay ng Andavit at Tee sa Datu Salibo, Maguindanao.