38 patay matapos araruhin ng bus ang parada ng mga musikero nang tumatakas ito sa isang aksidente

Image capture of video by Channel News Image capture of video by Channel News

Umabot sa 38 ang namatay matapos salpukin ng isang bus ang mga tao sa isang parada sa Haiti noong Sabado, ika-11 ng Marso.

Ayon sa ulat ng Reuters, galing ang Blue Sky bus sa Cap Haiten patungo sa Port-Au-Prince nang makabundol ito ng dalawang tao kung saan ay namatay ang isa at sugatan naman ang isa pa. Tinakasan ng driver ang aksidente at matuling pinasibad ang bus, ngunit sumalpok naman ito sa isang parada ng mga musikero.

Agad umanong namatay ang 33 tao sa parada at 4 pa ang binawian ng buhay sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, kalimitang tumatakas ang mga tsuper na sangkot sa aksidente sa Haiti dahil sa takot na mabugbog ng mga tao.

Ipinag-utos ni Haitian President Jovenel Moise ang isang masusing imbestigasyon. Ipinaabot rin ng pangulo ang kanyang pakikiranmay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente.

Nagbahagi ng isang video ang Euro News sa You Tube:

Loading...