7 patay sa salpukan ng trak at kotse sa Batangas

Image capture of video by GMA News via You Tube

MAYNILA, Pilipinas – Pito katao ang kumpirmadong patay habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos magsalpukan ang isang kotse at isang cargo truck habang tinatahak ang kahabaan ng  President Laurel Highway sa bayan ng Santo Tomas, Batangas nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cesar Almario, 16; Paul Aldrin Geroy, 16; Gerald Dellomos, 22;  Deniel Abarete, 16; Romeo Abarientos, 26; at Jerome Abarientos, 10; mga residente ng Barangay San Miguel ng nasabi ring bayan.

Ang mga namatay ay pasahero ng Toyoto Corolla na minamaneho ni Romeo Abarientos na sugatan din sa aksidente. Kritikal din ang kalagayan ng isang Aljay Torres, 17, na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.

Ayon sa mga ulat, galing umano sa Tanauan patungong Calamba, Laguna ang kotse ng mga biktima nang tangkain ng drayber nito na mag-overtake sa kasalubong na linya.

Nasalpok ng kotse ang paparating na trak na bumibiyahe naman papuntang Tanauan.

Hindi naman nasaktan ang driver ng trak na nakilalang si Rodolfo Mandac Jr., na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulis at kasalukuyang iniimbestigahan.

Narito ang isang ulat mula sa GMA: