9 na drug suspects sa Bulacan patay sa paglulunsad ng “Oplan: Double Barrel Reloaded”

Image capture of ABS-CBN News report via You TubeImage capture of ABS-CBN News report via You Tube

MAYNILA, Pilipinas – Siyam katao na kaagad ang napatay sa probinsiya ng Bulacan sa unang gabi pa lamang ng paglulunsad ng “Oplan: Double Barrel Reloaded” ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Ito ay sa kabila ng pangako ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na magiging ‘less bloody’ kung hindi man ‘bloodless’ ang panibagong kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga na siyang pumalit sa kontrobersiyal na ‘Oplan: Tokhang’.

Sa 17 magkakakhiwalay na operasyon na isinagawa ng kapulisan sa Bulacan Lunes ng gabi,  4 ang napatay sa Malolos, 2 sa Norzagaray at tig-iisa sa bayan ng Bocaue, Meycauayan at San Miguel.

Kinilala ng mga awtoridad ang apat na napatay sa Malolos na sina Norlito Zena, residente ng Barangay Panasahan at isang construction worker; Errol Caperal, ng Sumapang Matanda; at Elmer Pagsanjan at Francis Bondoc, parehong taga Sitio Burol, Bgy. San Juan;

Isa namang alias ‘Lord,’ na nakasama sa watchlist sa Barangay Anti-Drug Abuse Council ng Meycauayan City ang nasawi rin sa operasyon.

Karamihan umano sa mga napaslang ay nanlaban sa kapulisan.

Maliban sa siyam na napatay, 15 katao rin ang naaresto sa operasyon at nakarekober ang mga awtoridad ng 13 armas habang aabot sa 54 na sachet ng shabu naman ang nakumpiska.

“This is part of the simultaneous operations against illegal drugs and loose firearms in the province we conducted together with the Philippine Drug Enforcement Agency,” ayon kay  police director Senior Supt. Romeo M. Caramat ng  Bulacan Police Provincial Office.

Ating panoorin ang ulat mula sa GMA News:

 

Loading...