99-anyos na lola, inaresto at ikinulong dahil gustong maranasan ang buhay sa loob ng kulungan bago mamatay

Image from Politie Nijmegen-Zuid's Facebook page

Isang 99-taong gulang na lola ang inaresto ng mga pulis sa Netherlands dahil sa pakiusap ng isang apo ng matanda na pagbigyan ang isa sa mga nais nitong maranasan bago pumanaw – na maranasan na hulihin ng pulis at mabilanggo.

Ayon sa Mirror, masayang pinagbigyan ng mga pulis ang nais maranasan ng lola na kinilala lamang sa pangalang Annie. Ibinahagi pa ng mga pulis sa kanilang Facebook page ang mga larawan ni Annie na mababakas ang kaligayahang nadarama habang pinoposasan at ipasok sa kulungan.

Sa caption ng mga larawan ay ipinaliwanang ng mga pulis na si Annie ay malapit nang magdiwang ng ika-100 kaarawan at isang apo nito ang humingi sa kanila ng tulong upang makamit ang matagal na nitong minimithi na maranasan ang buhay sa loob ng kulungan.

Maraming netizens ang nagsabing “cute” si lola Annie habang nasa loob ng bilangguan at pinuri naman nila ang kapulisan sa kanilang ginawa.

 

Source :

Mirror, Time, Facebook