Aguirre, Calida, Minaliit Lamang ang Isinampang Impeachment Laban kay Duterte

Pangulong Duterte: ‘Kung ako’y sibilyan at ni-rape mo anak ko, vivigilantehin talaga kita’

Minaliit lamang ng mga legal advisers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihaing impeachment  ng oposisyon laban sa Pangulo nitong Huwebes.

Suntok sa buwan ‘yan,” ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II; dagdag pa niya wala rin umanong nagawang impeachable offense ang Pangulo.

Saad pa ni Aguirre na ang impeachment complaint ay walang factual at legal basis; ayon sa ulat ng GMA.

The allegations in the complaint are not anchored on concrete or solid evidence that would support findings of any of the enumerated grounds for impeachment. Mere allegations without proof are not evidence,” ani Aguirre.

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida, aniya: “must be dreaming.”

They are not even in the league of Don Quixote. Impeachment won’t fly. It will crash like a rudderless plane flown by witless pilots,” ani Calida.

[Wala sila sa league ni Don Quixote. Hindi uusad ang impeachment. Mawawasak lamang ito tulad ng eroplanong pinalilipad ng mga pilotong hangal.]

Inilarawan naman ni Calida si Magdalo Rep. Gary Alejano, ang nagsampa ng impeachment bilang “toady” ni Senator Antonio Trillanes IV, na tinawag niyang “braggart patron.”

Si Duterte ay inakusahan ni Alejano ng paglabag sa konstitusyon, bribery, betrayal of public trust, graft and corruption at iba pang matataas na uri ng krimen.

Ito ang kauna-unahang isinampang impeachment kay Duterte na halos mag-iisang taon pa lamang bilang isang Pangulo ng bansa.

Samantala, hawak naman ni Duterte ang majority support ng House of Representatives, na kailangan lamang ng one third na boto sa lahat ng miyembro upang maipadala ang reklamo sa Senado at malitis ang Pangulo.

Loading...