AiAi delas Alas, natulala at napaiyak matapos malaman na nanalo siya ng international award

Imahe mula sa AiAi delas Alas FB page.Imahe mula sa AiAi delas Alas FB page.

Galak na galak si Kapuso host-actress AiAi delas Alas nang malaman niyang napanalunan niya ang Best Female Actor award ng Queens World Festival. Ang pagpaparangal ay naganap sa siyudad ng New York kamakailan lamang.

Ang naturang parangal ay nasungkit ng aktres dahil sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa kanyang pelikulang pinamagatang “Area.” Si AiAi ay gumanap bilang isang matandang prostitute sa nabanggit na pelikula.

Naging emosyonal at napaluha umano si AiAi nang malaman ang balita hindi man siya nakadalo sa awards night.

“Paggising ko, sinabi ni Gerald (na nanalo ako), natulala ako, sabay iyak, sabay luhod, at umiyak sa pasasalamat at nanginginig pa katawan ko,” saad ni AiAi sa isang Instagram post.

Napakagandang umaga sa inyong lahat … nagising ako at ito ang balita .. maraming salamat QUEENS WORLD INTERNATIONAL FESTIVAL AWARDS PARA SA PAG KAPANALO KO … pag kagising ko AT sinabi ni gerald natulala ako sabay iyak sabay luhod at umiyak sa pasasalamat AT nanginginig pa katawan ko ( buti wala ako sa nyc kasi baka mahimatay ako d ko din makuha ang award hahah comedy talaga) nais kong ibahagi ang award na ito sa aming producer BG PRODUCTIONS tita baby salamat , FERDY LAPuZ , DENNIS EVANGELISTA , at sa lahat ng crew and staff ng BG PRODUCTIONS … sa AMING NAPAKABAIT NA DIREKTOR LOUI IGNACIO . Salamat direk sa pag tyatyaga mo sa first scene nayun kung hindi mo ko tinulungan sa eksena d yung magiging posible.. nais ko i bahagi din sa aking mga co nominated na mga aktres sa ibang bansa … i want to dedicate this award sa mga anak ko SANCHO SHAUN SOPHIA ANDREI.. at kay darl GERALD.. kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko… sa aking pamilya kay MOTHER JUSTA … salamat mama …..at sa lahat ng mga nagmamahal at NAGDASAL PARA SA AKIN … MARAMING MARAMING SALAMAT PO.. And MAMA MARY thank you pinakinggan mo ang HILING ko sayo na ibulong mo sa makapangyarihan mong anak ang mga hiling ng aking puso .. AND TO GOD THE ALMIGHTY , LORD JESUS CHRIST WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIBIGAY NYO … I LOVE YOU PO

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

Sabi pa ni AiAi, buti na lamang at wala siya sa awards night dahil maaaring nahimatay siya dahil sa sobrang galak.

“Buti wala ako sa NYC kasi baka mahimatay ako, hindi ko din makuha ang award!” sabi niya.

Ang award daw na natamo ng komedyante ay ibinabahagi niya sa lahat ng taong bumubuo sa pelikulang “Area.” Gayun din, pinasalamatan niya ang direktor ng pelikula na si Louie Ignacio. Malaki umano ang tulong sa kanya ng naturang direktor.

“Salamat, Direk, sa pagtitiyaga mo sa first scene na ‘yun. Kung hindi mo ako tinulungan sa eksena, hindi ‘yun magiging posible,” ani AiAi.

Pinasalamatan din ni AiAi ang kanyang kasintahan, ang mga anak niya, at mga tagasuporta niya na nagsilbing ispirasyon niya upang magampanan ng maigi ang kanyang papel.

Itinaas din niya ang pagkapanalo sa Diyos, dahil siya ay lubos na pinagpala.

“MAMA MARY, thank you pinakinggan mo ang hiling ko sa’yo na ibulong mo sa makapangyarihan mong Anak ang mga hiling ng aking puso.. AND TO GOD THE ALMIGHTY, LORD JESUS CHRIST, WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIBIGAY N’YO… I LOVE YOU PO!” saad ng komedyante.

Loading...