Aktres Janella Salvador, Nawalan ng P110,000 sa Kaniyang Bank Account

Imahe mula sa video ng ABS CBNImahe mula sa video ng ABS CBN

Nagulat si Janine Desiderio,  ina ng aktres na si Janella Salvador, sa natuklasan niya sa bank statement of account ng kaniyang anak.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, lumabas kasi na may debit card transaction sila sa Tokyo, Disneyland noong Agosto 2016 na nasa P110,000 ang halaga ngunit malinaw na nasa bansa sila nang mga panahong iyon.

Ang kaduda-duda dito ay same amount, same date, same name at paulut-ulit nang tatlong beses in one day parang tatlong transaction,” ani Desiderio.

Aminado si Desiderio na noong isang linggo lamang niya natuklasan ang nawalang pera dahil hindi raw agad naipadala ng bangko ang statement. Hindi rin umano siya inalerto ng  bangko sa malaking transaksiyon dahil hindi siya nakaenrol sa online banking at labas-pasok siya sa paggamit ng naturang account.

Nalulungkot naman si Janella sa pangyayari lalo na’t pinag-ipunan niya ang pera at maingat siya sa detalye at password ng kaniyang account.

Samantala, siniguro naman ng Metrobank ang concern at pangangailangan ng kanilang customer. Tiniyak din nila na iniimbestigahan na nila ang nangyari.

Noong isang linggo isang debit account holder din ng Metrobank ang nagreklamo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos mawalan ng P30,000 ang kaniyang account mula rin sa isang transaksyon sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng bangko ang mga naturang kaso.

Paalala ng NBI, laging i-check ang statement of account ng inyong bank account. Agad  magreklamo kapag may kakaibang transaksyon.

Nag-abiso naman ang BSP na maaaring magreklamo sa Consumer Assistance Desk, Ground Floor BSP Complex Manila sa numerong  (02) 708-7087, (02) 708-7088, o kaya’y mag-email sa: [email protected].

Source :

ABS CBN, KAMI

Loading...