Alvarez, idinawit si Robredo sa impeachment laban sa Pangulo

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Idinawit ni Speaker Pantaleon Alvarez ang pangalan ni Vice President Leni Robredo sa impeachment complaint na ipinasa ng isang party-list representative sa Mababang Kapulungan nitong linggo.

Ayon kay Alvarez ang impeachment umano ay maaaring bahagi ng malawakang plano para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte upang palitan ni Robredo.

“Anything is possible kasi nga merong isang babae d’yan na nagmamadali na gustong pumalit sa ating Pangulo, pupuwede po na merong destabilization,” ani Alvarez sa panayam ng GMA News.

Hindi ito nagdalawang-isip nang tanungin kung sino ang babaeng tinutukoy niya.

“Si Leni Robredo po,” tugon ng mambabatas.

Ang impeachment complaint na ipinasa ni Magdalo Rep. Gary Alejano ay naglalayong patalsikin sa Malakanyang si Duterte dahil umano sa paglabag sa Konstitusyon, panunuhol, betrayal of public trust, graft and corruption at marami pang ibang malalaking krimen.

Paliwanag ni Alejano, dapat ma-impeach ang Pangulo dahil sa panunuhol nito sa Davao Death Squad (DDS) upang patayin ang mga criminal at drug addict sa lungsod ng Davao noong ang huli ay alkalde pa.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang kampo ni Robredo tungkol sa impeachment na isinusulong ngayon sa Kongreso laban kay Duterte.

Loading...