Anak ng nakuryenteng lineman sa Bicol, humihingi ng tulong

Image by Africa Studio via ShutterStock

MAYNILA, Pilipinas – Umaapela ng tulong ang panganay na anak ng lineman na namatay matapos makuryente sa Legazpi City, Albay kamakailan.

Ang panawagan ni Jhoanne Poñado Abril, anak ng biktimang Joel Poñado, ay ibinahagi sa Facebook ng isang Bhong David.

Ayon sa anak, namatay umano ang kaniyang ama habang nasa trabaho. May ginagawa daw itong transformer nang biglang makuryente.

Maliban sa panganay, tatlo pang maliliit na anak na pawang nag-aaral sa elementarya ang naiwan ng lalaki.

Base sa Facebook account ni Jhoanne, hiwalay na ang kaniyang mga magulang at mag-isa silang itinataguyod ng kanilang masipag na tatay.

“Humihingi po ako ng tulong sa inyong lahat na sana po ay umabot ito sa kataas-taasan.. Nananawagan ako sa ating Pangulo,” ayon sa anak.

Inaasahan ni Jhoanne na makakarating kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang panawagan sa pamamagitan ng social media upang mabigyan ng tulong ang kaniyang mga kapatid. at para na rin sa hustisya ng kaniyang namayapang na ama.

Basahin ang kaniyang buong panawagan DITO.

_click ang imahe upang mabasa ang buong post
_click ang imahe upang mabasa ang buong post
Source :

Facebook