Angel Locsin, Excited na Makasama sina Daniel, Kathryn sa ‘La Luna Sangre’

Larawan mula sa post nina therealangellocsin at imdaneilpadillaofficial via Instagram accountsLarawan mula sa post nina therealangellocsin at imdaneilpadillaofficial via Instagram accounts

Excited si Angel Locsin na makasama ang young stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa “La Luna Sangre.”

Ito ay matapos malaman ni Locsin na kabilang siya sa nasabing ‘teleserye’, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ang “La Luna Sangre” ay paparating na third installment ng hit fantasy franchise matapos ang “Lobo” at “Imortal” na pinagbidahan ni Locsin.

Ani Locsin, nagawa na niya ang “Lobo” at “Imortal” at ngayon ay ipapasa muli niya ang ‘legacy’.

pa-picture sa posters ng abs while waiting 😜

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Hindi naman sigurado ni Locsin kung mayroon siyang eksena kasama sina Padilla at Bernardo, ngunit masaya siya na makilala ang sikat na love team.

“This is the first time and I am looking forward talaga. I don’t know kung may eksena kami. Mukhang wala yata pero hindi ko alam kung magkakaroon kami ng opportunity to get to know each other kapag nasa set. I am not sure. Project naman nila ito,” saad ni Locsin.

Sabik din si Locsin na gawin ang “La Luna Sangre” dahil ito ay sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, direktor ng pelikulang “Unofficially Yours” na pinagbidahan nina Locsin at John Lloyd Cruz.

“Isa siya sa pinakapaborito kong katrabaho. Sino bang namang tatanggi sa direk Cathy,” saad ni Locsin.

Bukod sa “La Luna Sangre”, mayroon ding dalawang pelikula si Locsin na maaaring antabayanan ng kanyang mga tagahanga.