Apo ni Digong na si Stonefish, “sinagot” ang tila pang-iinsulto ni Leah Navarro

Image from Inday Sara Suterte Instagram account

“Sinagot” ni Stonefish, bagong silang na anak ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang hindi magandang tweet ng singer na si Leah Navarro; co-convenor ng Black and White Movement at isang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Lunes, nag-post si Navarro sa Twitter tungkol sa pangalan ng bunsong anak ni Mayor Sara at ito ang kanyang sinabi: “Poor kid. One day someone’s gonna call him, “Hey, Stonedfish.”

Ito naman ang “sagot” ni Stonefish sa Instagram account ng kanyang ina sa tweet ni Navarro: “Leah Navarro. Kahit ano pa sabihin mo. Presidente pa rin ang lolo ko at presidente ang ninong ko. At mas matalino Mama ko sa iyo, therefore, mas matalino ako sa iyo kahit 15 days old lang ako – President Stonefish Carpio. According to a study, children inherit their intelligence from their mother.”

Ang dating pangulo at ngayon ay Manila City Mayor Joseph Estrada ay isa sa mga ninong ni Stonefish, na ang tunay na pangalan ay Marko Digong Duterte Carpio.

Ayon sa The Asian Policy, tila ipinahihiwatig ni Leah sa kanyang tweet na balang araw ay magiging isang “stoner” (isang tao na malimit gumamit ng droga o uminom ng alak) ang apo ni Pangulong Duterte

Stonedfish