Arci, nilinaw ang isyu ng pagkakasipa niya sa mukha ni Christine

Mga imahe mula sa YouTube

Nagsalita na ang aktres na si Arci Muñoz hinggil sa isyu ng pagkakasipa niya sa mukha ng kapwa aktres na si Cristine Reyes.

Ayon sa PEP, nilinaw ni Muñoz na aksidente ang nangyari sa set ng I Can Do That, kung saan nasipa niya ang mukha si Reyes habang sila ay nagpa-practice.

“Kasi ano, mayroon kaming ginawang act, so ayon, nagpa-practice kami, nagre-rehearse. ‘Yong isang step, may isang step doon na sisipa ako backward. Sakto si AA [Cristine] nasa likod, nakatayo lang siya, pinapanood niya ako.Tapos ginawa niya yung act, e, kasi naka-bend down ‘yon na ganun, hindi ko nakikita. Sabay pagka-bend down niya, ako naman, pagsipa ko, nasa floor na ako, salubong, ayon tinamaan si AA sa mukha,” paliwanag ni Muñoz.

Saad pa niya, nataranta siya dahil alam niyang malakas ang kanyang sipa. Hindi niya raw alam kung anong gagawin niya at tinitingnan lang daw sila ng mga tao, siguro daw hindi alam ng mga ito na grabe ang nangyari.

Alam niyang masakit iyon ngunit tumatawa pa rin si Reyes, tawa na may kasamang iyak at game pa rin daw ito na parang walang nangyari. Humanga raw siya sa pagiging cool ng aktres.

Kuwento pa ni Munoz na pahirap nang pahirap ang naturang Kapamilya show. May mga ipinagagawa umano sa kanila na iniisip niyang hindi niya na talagang kayang gawin ngunit sobrang tiyaga ng kanilang mga mentors.

Panoorin ang video kung saan ng pagkakasipa ni Arci Muñoz kay Christine Reyes: